Best Tattoo Designs...Here place....

Kamis, 01 Mei 2008

LP: Malungkot

Isa na yata ito sa mga pinakamahihirap na paksa para sa LP. Hindi din talaga ako mahilig kumuha ng mga litrato ng mga bagay na nakakalungkot. Marami-rami din akong stock photos na tiningnan hanggang sa makita ko ang mga ito:


Ito ang unang pagka-ospital ng aming munting prinsesa. Siya ay nagkaron ng viral infection noong isang taon at na-ospital ng ilang araw. Para sa isang una-pa-lang-naging-nanay na tulad ko, nakakatakot at nakakalungkot ang mga araw na ito. Wala akong magawa para maibsan ang sakit at hirap na kanyang dinanas. Kaka-isang taon pa lang niya nito. Limitado ang kanyang paggalaw dahil sa suwerong nakakabit sa kanyang braso. Wala din siyang ganang kumain at bumaba ang kanyang timbang. Mugto ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak dahil sa kanyang nararamdaman. Buti na lamang at nandon ang kanyang paboritong laruan na si teddy para siya ay samahan at aliwin paminsan-minsan.



**
bakit ganon? parang lahat yata ng photosharing sites ay "under maintenance". 3:15pm na dito sa pinas. kasalukuyan kong ginagawa ang aking
akda para sa linggong ito ng LP. pagka-upload ng mga litrato, bigla na lamang lumabas na naka-site maintenance ang photobucket. kenis naman. bakit lahat sila nag-maintenance. ang malas naman ng timing ko. :P

Tidak ada komentar:

Posting Komentar