Best Tattoo Designs...Here place....

Kamis, 22 Mei 2008

LP: Japan Shots: Umaapoy at Tubig


Muli, ipagpaumanhin ninyo ang huli ko na namang akda. Matindi talaga ang epekto sa akin ng epidural at tuwing Huwebes na lang ay nakakalimutan kong mag-post ng mga akda para sa LP.

Itong pareho kong litrato ay kuha noong kami ay nasa Japan. Sa kabutihang-palad ay sa Yokohama City kami napatira. Medyo malayo sa upisina (1.5 oras ng byahe patungo at pabalik), pero napakaraming pedeng puntahan at gawin sa lugar na ito. Nakaka-miss ang Yokohama. Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais naming bumalik dito, syempre kasama na ang aming tsikiting.



Uso sa Japan ang mga "street performers". Yung iba ay dito pa nga nadidiskubre. Nagpapalabas lang sila sa mga parke o kung saan mang maluwag na lugar kung saan pedeng magkumpulan ang mga tao. Nakikinood na din kami kasi libre din naman ang palabas (pero my bad, ni isang beses di man lang kami nagbigay...). Iyong isang street performer ay tumalon sa apoy. Di ko na natatandaan masyado yung iba nyang ginawa... Mukhang sobrang sisiw sa kanya ang kanyang ginawa. Syempre pa, lahat naman ng nanonood ay tuwang tuwa. :)



Ang aking lahok naman para sa tubig ay itong isang malaking aquarium. Kuha din ito sa Yokohama, Japan - sa Sea Paradise. Nakakatuwa itong aquarium na ito kasi napakalaki. At nakaka-aliw na makakita ng napakaraming isda - at ang lalaki din nila! Noon lang kami nakapasok sa aquarium na tulad nito. At sobrang nag-enjoy din kami. Sana ay mabisita din namin ang Manila Ocean Park sa mga susunod na araw. Pihado, mag-e-enjoy din ang aming prinsesa - mahilig kasi sya sa hayop.


Tidak ada komentar:

Posting Komentar