Best Tattoo Designs...Here place....

Senin, 12 Mei 2008

LP: Mahal na INA


Ito ang mommy at ang prinsesa. Kuha ito noong Bagong Taon sa bahay ni Lolo at Lola sa Laguna. Karaniwan naming ipinagdiriwang ang bagong taon sa probinsya para iwas polusyon/usok. Pinili ito ni hubby (dapat ay ipapa-print nya para sa araw ng mga ina, pero wala siyang oras. wawa naman puro na lang trabaho)

Isa lang ang masasabi ko: mahirap pero masarap maging ina. Lalo na kung nakikita mong maganda ang disposisyon ng anak mo at lumalaki sya ng maayos. Ang sarap ng pakiramdam na may humahalik sa iyo at yumayakap. Masaya ang simula ng araw ko kasi siya ang una kong nakikita - ang kanyang bilog na bilog na mata at matamis na ngiti.

** pasensya na at huli na itong akda ko para sa linggong ito. ito dapat ang pinakamadaling paksa para sa akin... pero medyo natagalan si hubby maghanap ng picture namin eh (sya daw maghahanap :P)

Tidak ada komentar:

Posting Komentar