Ang tawag dito ay koinobori. Kuha ito sa Asakusa, Japan nung nagpunta kami noong Golden Week 2005. Ang koinobori ay windsock na may disenyo ng makukulay na karpa.
Isa sa mga ipinagdiriwang tuwing Golden Week ay ang Araw ng mga Batang Lalaki o "Otoko no Sekku". Sa araw na ito, ang mga magulang nga bagong panganak na batang lalaki ay nagsasabit ng koinobori sa kanilang mga bintana para sa magandang kinabukasan ng bata.
Rabu, 28 Mei 2008
Langganan:
Posting Komentar (Atom)
Tidak ada komentar:
Posting Komentar