Best Tattoo Designs...Here place....

Kamis, 05 Juni 2008

LP: Pag-iisang Dibdib

Sa dinami-dami ng larawan namin nung aming kasal, hindi ko alam kung alin ang aking ilalagay dito sa LP. Wala din kasi akong oras na halungkatin ang lampas 1700+ na litrato (hindi pa kasama dito ang kuha ng aming mga kaibigan). At saka hindi ko sigurado kung ok lang isali dito ang hindi namin kuha...

Ang unang larawan ay ang amin ding singsing. Espesyal ang anggulo dahil makikita dito ang mensahe sa loob ng aming singsing



Ang pangalawang larawan ay ang altar ng kapilya na aming pinakasalan. Kuha ito noong una kaming pumunta dito. Na-inlababo kaagad ako sa kapilya - dahil maliit lamang siya at simple. Medyo ayaw ko din kasi ng mala-katedral na simbahan. Parang malungkot kasing tingnan kung hindi mapuno ang simbahan (kahit pa marami ka nang imbitado). Gusto ko talaga ang maliit na simbahan. Intimate kumbaga. (pasensya na kung medyo blurred. sinauna pa kasi ang gamit naming digicam noong 2003)

Tidak ada komentar:

Posting Komentar