Best Tattoo Designs...Here place....

Selasa, 24 Juni 2008

LP: Itay

una muna... ipagpa-umahin na mali ang aking unang akda para sa linggong ito. nagkada-duling na yata ako at tema para sa susunod na buwan ang aking natingnan.


kuha ito sa likod ng mall of asia sa pasay. noong araw ng mga tatay, pagkatapos naming mamasyal sa fun ranch, napag-isipang maglakwatsa pa at dito kami napadpad. mahigit isang taon na ang nakakaraan nang kami'y magpunta dito. noo'y hindi pa bukas ang lugar na ito sa may tabing dagat. noong kami'y magpunta, maraming tao at marami na ring mga tindahan na nandito. hindi ito ang unang pagkakataon na makakita ng dagat ang aming prinsesa. nadala na namin sya noong isang taon sa batangas. pero sa pagkakataon ito ay tuwang-tuwa siya. aliw na aliw sa hampas ng alon. ang akin namang butihing asawa ay sinasariwa ang kanyang kabataan - noong naliligo pa sya sa breakwater sa manila bay (yak!). pag naiisip nya ito ngayon siya ay nandidiri na din (hehehe). napakasaya ng araw na ito. isa sa mga magagandang weekend bonding moments naming mag-anak. (naiiyak ako!)

Tidak ada komentar:

Posting Komentar