Best Tattoo Designs...Here place....

Kamis, 07 Februari 2008

A new blog

isa na namang blog. alam mo bang naka-sign up ako sa iba't-ibang blog. meron ako sa dito, livejournal, wordpress at multiply. di ko alam kung ano gagawin ko sa buhay. dami ko gusto gawin. daming gusto isulat. daming gusto i-share.

so para saan ang blog na ito ngayon?

wala lang. mga kuro-kuro sa iba't ibang bagay. yung mga datihan ko nang blog ang tungkol sa aming buhay. ito namang blog na ito ay magiging mga kuro-kuro ko sa mga nababasa sa internet sa araw-araw. mga nangyayari sa labas ng bahay. at kung ano-ano pa. ito ang aking magiging laruan. dito ko it-try maging isang pro-blogger kumbaga.

maganda din kasing paglaruan ang blogspot na site. madaming pedeng ilagay sa mga pali-paligid. dun kasi sa iba kong blog, puro sulat lang talaga. gagamitin ko din sana itong blog na ito para kumita. at nang may maipandagdag sa gastusin. malay natin, pag malaki-laki na kinikita ko sa pagb-blog ay makakatigil na ako sa trabaho at pagtuunan na lamang ito ng pansin.

sana lagi kayong makadalaw at makapag-komento sa aking bagong bahay. excited na akong simulan ang aking watak-watak na mga pagmumuni.

(ang lalim naman ng mga katagang aking binibitiwan. di ko nga alam kung ginagamit ko sila sa tamang konteksto. hehehe)

Tidak ada komentar:

Posting Komentar