Best Tattoo Designs...Here place....

Rabu, 07 Januari 2009

LP: Pula

Ipagpaumanhin ang aking matagal nang hindi paglahok sa LP. Sadyang toxic lang sa pagiging SAHM sa isang batang nasa terrible-twos stage.


Ito ang pinakapaborito kong larawan na pula. Kuha ito noong Oct 2007 sa Jollibee sa may National Bookstore, Quezon Ave. Itong Jollibee na ito ang pinakamalapit sa aming bahay. Nagkataon na noong pumunta kami ay tapos na ang appearance ni Jollibee sa party sa taas. Nagpaunlak sya ng ilang photo-ops sa mga batang nandoon. Sinamantala ko ang pagkakataon. Iniupo ang aking anak sa counter, tinawag si Jollibee at CLICK!! Isinali ko pa nga ang larawan na ito sa Jollibee Happy Moments na paligsahan ng Jollibee website noon. Sa kabutihang palad ay nanalo ng pangalawang pwesto. =D 1k GC din ang aming nakuha.

Magandang araw ng LP!!

Tidak ada komentar:

Posting Komentar