Sobrang tagal na mula nang ako'y huling mag-post sa LP. Pasensya na po... Sadyang toxic lang sa mga nakaraang linggo sa trabaho. At medyo nakakatamad kumuha ng larawan sa aming pipitsuging camera. Mas gusto ko pa ngang kumuha ng larawan gamit ang aking mumunting cellfone.
Pero dahil malapit sa aking puso ang paksa nung nakaraang linggo, makiki-post na din ako kahit sobrang huli na.
Sa inaraw-araw na ginawa ng Diyos, hindi makukumpleto ang araw ko nang hindi makakakuha ng radiation galing sa kompyuter screen. Sa pagmulat ng aking mata hanggang sa pagpikit upang matulog na, naka-harap ako sa kompyuter. Ito din ay dahil sa aking linya ng trabaho sa IT. Hindi ko alam kung ano mangyayari sa akin kung walang kompyuter. Kaya hwag nyo akong dadalhin sa liblib at malayong lugar na walang internet, mamatay ako. hahaha.
Ang unang larawan ay ang aking kompyuter sa bahay. Dati-rati desktop ang kompyuter ko. Pero ngayon mas gusto ko na ang laptop. Hindi ko naman sya inilalabas ng bahay pero mas malawak sya at hindi masyadong mabusisi sa mga aksesorya. Nasa likod nya ang aming ever-reliable-na-malapit-na-ding-bumigay na external HDD na si dingga. Matagal na sya sa amin, may lampas 4 taon na din yata. Pero napaglalagyan pa din ng mga backup files. Pede na syang mag-retiro. :P
Ang pangalawang larawan ay ang aking compyuter sa upisina. Laptop din sya. Kaya wala akong dahilan para hindi makapag-trabaho sa bahay. Ganyan lamang ang kanyang itsura sa maghapon dahil ako ay may external monitor at keyboard. So parang desktop din sya. hahaha. Ayaw kong iniuuwi ito dahil mabigat. Kung pede nga lang mag-request ng bagong laptop. :P Pero di na din nila ako pagbibigyan kasi ako'y malapit nang umalis.
Hanggang sa susunod na LP!
Selasa, 07 Oktober 2008
Langganan:
Posting Komentar (Atom)
Tidak ada komentar:
Posting Komentar