Best Tattoo Designs...Here place....

Kamis, 10 April 2008

LP #1&2: Bilog at Tatsulok



Ito ang aking unang akda para sa Litratong Pinoy. Noong isang linggo ang tema ay "Bilog". Hindi na ako nakapagpasa ng akda dahil na-"bloghop" ko lamang ang kanilang site noong Myerkules. Kaya inantay ko na lamang ang pangalawang tema.
Ngunit (subalit) ang aking napiling litrato para sa tema ngayon ay may kakambal na isa pang litrato na pwede para sa tema noong isang linggo.

Heto na po...

Onigiri ang tawag dito. Isa ito sa mga tanyag na pamatid gutom sa Japan na mabibili kahit sa mga combini (convenient store) lamang. Ito ay kanin na may lamang tuna mayonnaise na binabalutan ng nori. Maaring iba-iba ang laman ng kanin - iba pang klase ng isda tulad ng salmon, makarel; seaweed; picles; kimchi; o di kaya'y miso. Pero ang aking pinakapaborito ay itong tuna mayonnaise dahil ito para sa akin ang pinaka-ok ang lasa.

Kinunan ko ang litratong ito noong ako ay pauwi na galing sa trabaho. (Pasensya na, kuha ang mga litrato gamit ang camera ng aking cellphone.) Kailangan ko ng pamatid gutom dahil mahigit isang oras pa bago ako makarating ng bahay at makapaghapunan. Yun nga lang, ang laman ng aking wallet, ay iilang barya na lamang. Kaya't ito lang ang kinaya kong bilhin. Mabuti na lamang at hindi ko na kailangan ng pera pamasahe dahil meron naman akong train pass (o teiki).

Naawa ako sa sarili ko din noon dahil ito lang ang aking nakayanan. Ito ang isa sa mga araw na naka-tipid mode kami. Pero masaya pa rin naman dahil ang kinain ko ay ang aking paborito.

Hay... nakaka-miss ang onigiri. Sana meron din nito sa Konbini.

Tidak ada komentar:

Posting Komentar