Selasa, 29 April 2008
Lakbayan
I was tagged by May.
I usually don't do tags. I think this is my first. hehehe.
I did this tag because it's fun. But sad to know that I should travel the Philippines more. Grabe! Tingnan nyo, Luzon pa lang ang napupuntahan ko. hahaha! Hopefully, we could travel to the Visayas area this year (if budget permits).

My Lakbayan grade is D!
How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!
Created by Eugene Villar.Minggu, 27 April 2008
Bad Angel
Just because it's your back it does not mean that you can hire someone who should have finished his / hers art career at etch-a-sketch. And what's with the head ? Half a brain ?
Kamis, 24 April 2008
10th Tour of the Fireflies (Kaye & Robert's 1st biking tour)
LP: BLUE FALL
Ito ang BLUE FALL.
Isa ito sa mga pwedeng sakyan sa Sea Paradise, sa Yokohama, Japan. Nagpunta kami dito noong May 2005. 107 meters daw ang taas nito. Galing sa taas, ay free-fall kayong malalaglag sa baba. Nakakatakot di ba?
Kaya naman ito lang yata ang sakay na hindi namin sinubok nung pumunta kami dito. Pareho kami ni hubby na takot. :P Hindi talaga kaya ng powers ko ang mga free-fall rides. Pero marami sa aming kaibigan na nakapunta na dito sa amusement park na ito ang sumubok ng ride na ito. Pero kami, pass pa rin, kahit hanggang ngayon.
Jumat, 18 April 2008
Tanawin mula sa "Passenger Seat"
And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
Paboritong kanta ito ni hubby (BF pa lang noon) noon. Kanta nya ito para sa akin na paborito nyang sakay (naks).
Hindi ako marunong magmaneho. Pero sa isang tulad kong palagi na lamang pasahero, marami-rami din naman akong alam patungkol sa sasakyan at sa pagmamaneho.
Sa tuwing uupo ako sa "passenger seat" nakaugalian ko nang tumingin palagi sa side mirror sa tabi ko at tulungan si hubby magmaneho. Isa lang ito sa mga nakikita ko sa araw-araw. Sari't-saring mga sasakyan, iba-ibang kulay, iba-ibang modelo. Sayang nga lamang at hindi yung magandang pulang sasakyan ang aking nakuhaan kanina. Hindi na namin sya naabutan eh, humarurot na at kami'y iniwanan ("eat my dust" daw sabi nya).
Gustong-gusto ko ang aking "trono". Nakasanayan ko na ring maging pasahero lamang. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang stress ng pagmamaneho. Pero kailangan ko itong harapin habang lumalapit na ang Hunyo kung saan naka-iskedyul na ako ay mag-enroll sa A1 at mag-aral nang magmaneho. Kawawa naman kasi si hubby na syang palaging nas-stress at napapagod. Kailangan na nya ng ka-relyebo.
*****
nakakalungkot...
ang mga bagong litrato na aking kukunan ay manggagaling lamang sa aking cellfone camera. nabagsak kasi ang aming digicam. nung aming dalhin sa pagawaan, halos sampung libo ang gagastusin para maayos. di na lang noh! bibili na lang kami ng bagong digicam. pero, kelan kaya yon? :P
Rabu, 16 April 2008
The 10th Tour of the Fireflies
I first saw about this at Cycle Shop in Megamall where we bought our bikes. When I heard about this on the radio, it said it will tour 7 cities. We thought it will be 7 cities outside of the metro so we said "we cant do that, that's too far". But when I finally remembered to check on their website, it is just 7 cities within the Metro - Pasig, Mandaluyong, Makati, Pasay, Manila, Quezon City, Marikina.
Yey!
So me and hubby will sign up to join this tour on Sunday. I just hope I can bike the whole 50km. :P coz last Sunday when we tried our bikes for the 1st time, I can only bike 3 rounds of the UP Acad oval. Eniweys, I still have 3days to prepare for this.
I hope others could also join!
See you at the streets. :)
Kamis, 10 April 2008
LP #1&2: Bilog at Tatsulok
Ito ang aking unang akda para sa Litratong Pinoy. Noong isang linggo ang tema ay "Bilog". Hindi na ako nakapagpasa ng akda dahil na-"bloghop" ko lamang ang kanilang site noong Myerkules. Kaya inantay ko na lamang ang pangalawang tema.
Ngunit (subalit) ang aking napiling litrato para sa tema ngayon ay may kakambal na isa pang litrato na pwede para sa tema noong isang linggo.
Heto na po...
Onigiri ang tawag dito. Isa ito sa mga tanyag na pamatid gutom sa Japan na mabibili kahit sa mga combini (convenient store) lamang. Ito ay kanin na may lamang tuna mayonnaise na binabalutan ng nori. Maaring iba-iba ang laman ng kanin - iba pang klase ng isda tulad ng salmon, makarel; seaweed; picles; kimchi; o di kaya'y miso. Pero ang aking pinakapaborito ay itong tuna mayonnaise dahil ito para sa akin ang pinaka-ok ang lasa.
Kinunan ko ang litratong ito noong ako ay pauwi na galing sa trabaho. (Pasensya na, kuha ang mga litrato gamit ang camera ng aking cellphone.) Kailangan ko ng pamatid gutom dahil mahigit isang oras pa bago ako makarating ng bahay at makapaghapunan. Yun nga lang, ang laman ng aking wallet, ay iilang barya na lamang. Kaya't ito lang ang kinaya kong bilhin. Mabuti na lamang at hindi ko na kailangan ng pera pamasahe dahil meron naman akong train pass (o teiki).
Naawa ako sa sarili ko din noon dahil ito lang ang aking nakayanan. Ito ang isa sa mga araw na naka-tipid mode kami. Pero masaya pa rin naman dahil ang kinain ko ay ang aking paborito.
Hay... nakaka-miss ang onigiri. Sana meron din nito sa Konbini.
Rabu, 09 April 2008
Filipino
kung mayroon man sumusubaybay sa blog na ito, may mga panaka-nakang entry po dito na purong Filipino/Tagalog lang. kailangan ko na din yatang sanayin ang aking nakasanayang wika. dami ko nang mga words na di matandaan kung ano sa Tagalog. sayang noong bago pa ako nagt-trabaho, isa ako sa mga tanungan kung ano sa Tagalog yung ganito-ganyan.
sasali po ako sa Litratong Pinoy. sira man ngayon ang aming digi-cam, madami pa din naman kaming lumang litrato na pedeng ilahok. sana makahanap ako mamyang gabi ng pedeng isali para may isang entry na ako.

Jumat, 04 April 2008
Winged Retarded Mermaids
Even though it may not be finished, It's utterly horrific. These were supposed to be either two crippled angels (winged mermaids ?) or some kind of Voldemort babies
Kamis, 03 April 2008
"Male" Preggers
It's not a male or female desire to have a child. It's a human desire --> oo na. pero babae lang pa rin ang pede mabuntis at manganak. Nung ginusto mong maging lalaki, ito ang isa sa mga alam mo dapat ni ni-give up mo. hay...
sorry... i just dont agree with "him" getting pregnant. these people are sick. and they get all the publicity pa nga naman.
just my opinion
sorry... i just dont agree with "him" getting pregnant. these people are sick. and they get all the publicity pa nga naman.
just my opinion
FS
Free-Size --> is this even true?
Oh how I hate free-sizes. It doesn't fit all. Yes, I'm bitter 'coz it won't fit me. :P It should just put the range: Fits XS to M; wont fit L and above.
Oh how I hate free-sizes. It doesn't fit all. Yes, I'm bitter 'coz it won't fit me. :P It should just put the range: Fits XS to M; wont fit L and above.
Rabu, 02 April 2008
Selasa, 01 April 2008
BF
Oh this is such good news. Sana lang talaga may mangyari dito.
I really don't like what Bayani has done to Metro Manila. Especially hate the U-turns. Ilang beses na kaming muntik ma-aksidente dito. Nung bago pa kotse namin, nabangga (actually hit & run) yung unahan ng kotse namin sa U-turn slot dito sa may Eastwood. People just don't stop and give way. Yung iba naman, sobrang laki ng turning radius (gusto kagad makarating sa kabilang side) at umookupa na ng 4lanes pag-U-turn lang. Sobrang kainis din itong U-turn from C5/Katipunan going to Eastwood. Ang layo pa bago ka maka-U-turn. siguro mga 3km ang dagdag sa byahe - sayang din sa gas yon noh.
Hindi ko sya iboboto sa eleksyon. Kahit anong national office pa ang takbuhan nya. I will really campaign against him. If he cannot improve Metro Manila, pano pa kaya ang buong Pilipinas. People from Marikina thinks he is really good at maganda daw nagawa nya para sa lungsod nila. Well, that is specifically it - hanggang isang lungsod lang ang kaya nyang paunlarin - hindi ang buong Pilipinas.
Sana i-vandal na ng wet-rag-gang ang mga posters nya along EDSA. Sobrang garapalang pangangampanya using public funds. Mas malaki pa yung mukha nya kesa sa message na gusto nyang parating.
Kawawa talaga ang Pilipinas pag sya ang maging presidente. Im sure gagawin nyang E.O. na palitan ng pink ang bandila natin. :P

Langganan:
Postingan (Atom)